Pinas aangat pang lalo kay PNoy

PATULOY ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa dahil sa magandang liderato at tuwid na pamamahala ni Pangulong Noynoy Aquino.

Maging ang ibang bansa ay bumalik nang muli ang respeto sa Pilipinas dahil nasa tama ang tinatahak na landas natin sa ngayon dahil isang tama at matuwid na tao ang namumuno ngayon sa estado.

Kung noon ay binansagan tayong “tulog na bansa sa Asya” ay iba na ngayon dahil malinaw sa mga opinyon binibitawan ng international community lalo’t higit ang mga ekonomista ng mundo na aasenso pang lalo ang bansa ni Juan dela Cruz.

Malinaw rin sa report ng Knight Frank and Citi Private Bank ngayong 2012, na pang-anim na ang Pilipinas ngayon sa mga bansa sa mundo sa may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya at iyan ay dahil sa tamang pamamalakad ni PNoy.

Sa naturang ulat, transparency ,honesty at inclusiveness ng kasalukuyang administrasyon ang mga pangunahing dahilan kung bakit umaakyat at lumalago ang ekonomiya ng bansa at iyan ay kayang patunayan ng mga negosyante sa Pilipinas.

Malinaw rin na hindi gaanong nag-iingay ang mga maliliit nating kababayan sa hirap ng buhay sa ngayon dahil nakikita at nararamdaman nila ang pagbabago sa takbo ng buhay sa panahon ni PNoy.

Tama rin ang sinabi ng Pangulo na “good governance means good economics” dahil nakikita na ang resulta ng kanyang “tuwid na daan”.

Katunayan ay umabot na sa 6.1 percent ngayong 1st semester ng 2012 ang pag-angat sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa at iyan ang isang magandang bagay para sabihing nasa tamang landas na muli ang Pilipinas.

Alam nating malayo pa ang ating tatahaking landas para makamit ang lubusang pag-asenso pero ang sinimulan at ginagawa ngayon ni PNoy ay isang matibay na kalatas lamang na kayang umahon ng Pilipinas at iyan ay patutunayan natin sa buong mundo basta’t magsama-sama lang ang Pilipino.

BARTOLOME EXIT NA DAPAT SA PNP

Time to go na siguro para kay PNP chief Nicanor Bartolome. Malinaw kasi sa pahayag ni PNoy na nais na niya ng bagong liderato sa pambansang pulisya ng bansa.

Kung ating babasahin ang pahayag ng Pangulo ay halatang hindi siya kuntento sa nagawa ni Bartolome at iyan ay napakadaling intindihin kahit na ng isang batang kalye.

Halatang maraming gustong baguhin si PNoy sa kampanya ng PNP laban sa krimen kaya’t gusto nito ng bagong liderato sa hanay ng pulisya. Masakit para kay Bartolome na tanggapin ito pero dapat alam niya na bilang isang sundalo ay nagsisilbi siya at the plessure of the President.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply