Pinas bibili ng military equipment sa Canada

Canadian-Prime-Minister-Harper

TULOY na tuloy na ang pagbili ng Pilipinas ng defense at military equipment sa bansang Canada.

Sa katunayan, kapwa sinaksihan kahapon nina Pangulong Benigno Aquino III at Canadian Prime Minister Stephen Harper ang isang memorandum of understanding (MOU) na may kinalaman sa pagbili ng Pilipinas ng defense at military equipment sa Canada.

Ang naturang kasunduan ay may government-to-government transaction kaya’t nakasisiguro na tama ang presyo ng mga bibilhing gamit pang-militar at de-kalidad.

Sa kabilang dako, sa joint statement nina Pangulong Aquino at PM Harper, ay nagkaisa ang dalawang lider na sabihing naging mabunga ang kanilang bilateral meeting.

Dahil dito, dapat nang asahan ang paglawak pa ng relasyon ng Canada at Pilipinas lalo na sa larangan ng depensa, negosyo at tinatawag na “people to people link.”

Ginamit din ni Pangulong Aquino ang nasabing pulong upang matalakay ang situwasyon ng mga Pilipino sa Canada na tinatayang umabot na sa 800,000 na patuloy na nagbibigay ng kontribusyon sa ekonomiya doon.

Gumanti naman si Harper na gamitin ang pagkakataon upang kilalanin ang kasipagan ng Filipino community sa Canada.

Agad na ipinakilala ni Harper si Canadian Sen. Tobias Emverga, isang Filipino-Canadian na kasama sa kanyang delegasyon. Si Emverga ay tubong Lucena City sa Quezon at 25 taon na sa Canadian Parliament.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply