Pinas kabilang sa mga bansang ‘strong performer’ sa pagpapahalaga sa kalikasan

NAUNGUSAN ng Pilipinas ang Amerika at Australia sa pangangalaga sa kalikasan, ito ang ipinagmamalaki ngayong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ayon kay Environment Secretary Ramon Paje, batay sa 2012 Environment Performance Index (EPI), kabilang na ang Pilipinas sa mga bansang strong performers sa pagpapahalaga sa kapaligiran.

Sa evaluation ng EPI, natugunan ng bansa ang mga proyekto at patakaran sa pangangalaga sa kalikasan.

Ang evaluation ay isinagawang ng Yale University at Columbia University kasama na ang World Economic Forum at Joint Research Center ng European Commission.

Mula sa number 50 noong 2010 na modest performer, ay umakyat na ang Pilipinas sa number 42 kasunod ang South Korea na 43.

Nahigitan nito ang Australia na nasa 48, Amerika na nasa 49, Singapore na nasa 57 at Israel na nasa 61 na pawang kabilang sa modest performers.

Ani Paje, ang pagkilalang ibinigay sa Pilipinas ay patunay na tama ang ginagawa ng bansa sa pangangalaga sa kalikasan.

Nangunguna sa pangangalaga ng kalikasan o strongest performers ang mga sumusunod: Switzerland, Latvia, Norway, Luxembourg, Costa Rica, France, Austria, Italy, at tie naman sa No. 9 ang United Kingdom at Sweden.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply