Pinas mapanganib na bansa para sa mediamen

2abfd09392e246480fd5

KABILANG pa rin ang Pilipinas sa mga bansang mapanganib para sa mga miyembro ng Fourth Estate.

Sa ulat ng Vienna-based International Press Institute (IPI), sinasabing may kabuuang 119 journalists na sa buong mundo ang nasawi ngayong taon lamang habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Pinakamataas sa Syria, na may 36 media practitioners ang napatay. Pumapangalawa naman ang Somalia na mayroong 16, na sinusundan ng Mexico, Pakistan at Pilipinas.

Kaugnay nito, nagpahayag na nang “alarming trend” ang grupo sa mga pag-atake laban sa mga mamamahayag.

Samantala, nakiisa rin sa panawagan ngayon ang Canadian government ng hustisya para sa mga biktima ng November 23, 2009 Ampatuan massacre.

Sa isang kalatas, nagpaabot din ng pakikiramay ang Canadian embassy sa pamilya at kaanak ng mga nasawi sa nabanggit na trahedya.

Tinukoy pa sa mensahe na ang nangyaring masaker at pag-atake na rin sa human rights, freedom of the press at freedom of expression, na siyang haligit ng isang malayang lipunan.

Sa kabila nito, umaasa din ang embahad na magiging “credible” ang paglilitis sa mga sangkot sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply