Pinas may mapapala ba sa election sa US?

MAY maitutulong ba sa ating bansa ang resulta ng election sa Amerika?

Ito ang katanungan ng taumbayan dahil kung pagbabasehan natin ang mga alingawngaw na naglalabasan sa halos lahat ng himpilan ng telebisyon, radyo, internet at maging sa mga pahayagan sa ‘Pinas ay nakapokus tayo sa nangyayari sa halalan sa US.

Marami tuloy sa ating mga mamamayan lalo’t higit ang mga nagdarahop ang nagtatanong kung mananalo bang muli si Barrack Obama ay uunlad ba ang kanilang buhay o pamumuhay? Mananatili pa rin ba silang gutom at kakalat-kalat sa lansangan para makaraos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan?

Mga tanong na madaling sagutin dahil hindi naman solusyon sa paghihikahos ng mga nagdarahop nating kababayan ang resulta ng election sa Amerika kesehodang si Obama muli ang mahalal o si Mitt Romney ang manungkulan sa White House.

Tanggap natin ang US ang pinaka-powerful na bansa sa mundo pero nakatulong ba sila sa Pilipinas para umunlad.Mabuti pa nga ang Hapon na matapos nilang bombahin ng nukleyar ay kanilang kinalinga at iniahon sa hirap at ngayon ay isa na sa mga bansang may magandang ekonomiya.

Ilang taon na rin bang nagpapakabusabos ang Pilipinas lalo’t higit ang mga lider natin sa Amerika para maambunan ng konting tulong? Bulok na kagamitang pandigma at konting ayuda lamang ang ating napapala kay Uncle Sam gayung kung itrato natin sila ay Big Brother na kung minsan pa nga ay tratong diyos dahil superyor ang pagtingin natin sa kanila.

Tratong VIP gayung ang tingin naman nila sa atin ay alipin o pipit lamang.Kung pakasusuriin natin ang mga kasaysayan ay wala naman talagang naitulong ang US sa bansa na malaki lalo’t higit sa pagpapalago ng ekonomiya,

Malinaw din sa datos na pangalawa lamang ang US sa mga umaangkat ng produkto sa ‘Pinas gayung sangkatutak ang kanilang estado.

Di dapat umaasa ang Pinoy sa tulong ng US lalo’t higit sa resulta ng election sa naturang bansa dahil ang tutulong lang naman sa kapwa Pilipino ay tayo ring mga tagarito.

Malaki na rin ang naitulong natin sa Amerika pero malaki ba ang naitulong nila sa Pilipinas para makaahon bilang third world country?

###

VOM umpisahan na!

Patuloy pa rin ang panawagan ng taga-Valenzuela City sa DPWH para masimulan na ang VOM o Valenzuela-Obando-Meycauayan flood control project.

Ito na lang kasi ang huling baraha ng lugar para maibsan ang halos araw-araw na paghihirap sa baha.

Umuulan man o hindi kasi sa area ng VOM basta’t high tide ay papasok at papasok pa rin ang baha sa mga lansangan at kabahayan sa area.

Ito ngayon ang hirap na dinaranas sa area kaya’t bumagsak na rin ang kalakalan sa VOM DPWH Sec. Rogelio Singson pakimadali naman ang proyekto!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply