Pinaslang na ABS-CBN talent ililibing na bukas

IHAHATID na bukas sa kanyang huling hantungan ang modelo at dating part-time talent ng ABS-CBN na ginahasa at pinatay noong nakaraang Nobyembre 6.

Dakong alas-9:00 ng umaga, itinakda ang funeral mass para kay Julie Ann Rodelas, 20-anyos sa Mary Queen Apostles Church sa Las Piñas City.

Ayon sa ina ni Rodelas na si Luz, halos hindi pa rin siya makapaniwalang ililibing na ang kanyang bunsong anak na inilarawan nitong napakamabait na anak.

Bagama’t mistulang case closed na ang kaso ng pamamaslang kay Rodelas ay hirap pa rin ang pamilya at mga kaibigan nito na matanggap ang kanyang sinapit.

Matatandaang nahuli ng Quezon City Police district (QCPD) ang mga mastermind na sina Athea Altamirano, na kaibigan ng biktima; at ang nobyo nitong si Fernando Quiambao, Jr.

Nahuli na rin ang dalawang iba pang sangkot sa pamamaslang na sina Gelan Pasawilan at Jaymar Waradje na ngayon ay ikinasang state witness sa krimen.

Hindi pa rin nahuhuli ang dalawan suspek na sina alyas “Aldos” at Efren Talib na sinasabing bumaril at nanggahasa ka Jaja (palayaw ni Julie Ann) .

Una nang inamin ni Althea na nais lamang niyang turuan ng leksyon ang kaibigan dahil sa tsismis na pinagkakalat ni Rodelas na buntis siya at may dalawang anak na. Hindi niya naman akalain na hahantong sa pagpatay sa kaibigan ang nasabing leksyon .

Nobyembre 6 nang matagpuan sa madilim na bahagi ng 18th Ave. sa Cubao, Quezon City ang bangkay ni Rodelas na may limang tama ng bala kasama ang supot ng burger at resibo nito na naging susi para madakip ang mga suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply