Pinaslang na UPBL stude, inilibing na

victoria-reyes-uplb-slay

INIHATID na sa huling hantungan ang pinaslang na University of the Philippines-Los Baños (UPBL) agriculture student na si Maria Victoria Reyes.

Nakasuot ang mga  schoolmates at miyembro ng pamilya Reyes ng puting damit habang ang labi ni Reyes ay inilalabas sa isang funeral home sa San Vicente Ferrer Parish.

Ikinasa naman ang isang misa ang mga nakiramay bago tumulak ang lahat sa Forest Lake Memorial Park na pagliibingan ni Reyes.

Bago mag-alas tres ng hapon, narinig na ang pagiyak ng karamihan na nasa sementeryo kabilang ang pamilya Reyes habang ibinaba ang kabaong ng kanilang mahal sa buhay sa kanyang huling hantungan.

Kaugnay nito, umalwan naman ang dibdib ng pamilya Reyes na ang suspect na si Benigno Cayetano Nayle Jr.,
ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Nagpasalamat naman ang magasawang Reyes sa nag-uumapaw na suporta na kanilang natanggap lalo na ang walang tigil na pagaksyon ng kapulisan para mahuli si Cayetano.

Si Reyes, 19-anyos, isang agriculture student of UPLB, ay natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto sa bahay nitong nakaraang Lunes.

Pagnanakaw naman ang nasisilip na motibo sa pagpatauy kay Reyes dahil nawawala ang ilan sa mga kagamitan ng biktima na tulad ng isang laptop at isang camera.

Si Reyes ang pinakahuling biktima ng serye ng brutal na pagpatay na ang biktima ay kabilang ang University of Santo Tomas alumna Cyrish Magalang ng Bacoor, Cavite at ang model-TV talent Julie Ann Rodelas na pinagbabaril naman sa Cubao, Quezon City noong nakaraang madaaling araw ng Nobyembre 6.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply