Pinaslang na UST cum laude, nailibing na

NAGING madamdamin at puno ng pagluluksa ang bumalot sa mga kaibigan, kaklase, kamag-anak at mahal sa buhay ng pinatay na cum laude graduate ng University of Santo Tomas (UST) na si Cyrish Magalang nang ihatid sa kanyang huling hantungan kanina sa Las Piñas City.

Alas-3:00 ng hapon inilibing si Cyrish sa Golden Heaven  Memorial Park sa Barangay Pulang Lupa, Las Piñas City.

Ayon kay Milagros Magalang, ina ni Cyrish, ng Block 45, Lot 2, Phase 3, Central Spring Ville, Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite,  kahit  nahuli na aniya ang magkapatid na suspek na sina Rolin, 27 at Roel Gacita Jr., 24, kapwa residente ng Sitio Pechayan, Barangay Molino 3, Bacoor, Cavite ay hindi pa rin niya matanggap ang sinapit ng anak.

Ang nais nya ay makitang pinapahirapan ang magkapatid na Rolin at Roel upang bahagyang maibsan  ang sakit na nararamdaman sa sinapit ng anak na si Cyrish.

Ayon sa ina ni Cyrish, para sa kanila ay hindi pa nila lubos na nakakamit ang hustisya, subalit nagpapasalamat sila sa Panginoong Diyos dahil kaagad na nadakip ang mga suspek.

Nabatid, na ang magkapatid na Rolin at Roel ang kapwa responsable sa brutal na pagpatay  kay Cyrish, 20-anyos, cum laude graduate sa UST ng kursong  Tourism and Hospitality Management.

Matatandaan na natagpuan ang bangkay ni Cyrish  alas-7:00 ng umaga  noong nakaraang Oktubre 31, 2012 Bunuan St., Gawaran Heights, Barangay Molino 4, Bacoor, Cavite.

Matapos itong magtamo ng 49 an saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa screw driver na kagagawan ng mga  suspek na sina Rolin at Roel, na hinoldap at tinangka pang gahasain ng mga ito ang dalaga.

Ang magkapatid na Rolin at Roel Gacita ay sinampahan na ng kasong robbery with homicide at frustrated rape sa piskalya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply