Pinay Dianquinay tumapos ng ika-2 puwesto sa Spoken Numbers ng Australia Memory Meet

australian-memory-championship

MULING naghatid ng karangalan sa bayan si Mary Sharmaine Deldio-Dianquinay ng tumapos sa ika-2 puwesto sa Spoken Numbers Category sa 2012 Australian Open Memory Championship nitong Nobyembre 24 hanggang 25 na ginanap sa Brisbane, Australia.

Ang 18-anyos na si Deldio-Dianquinay,  ipinagmamalaki ng LNJ Pop Music and Academic Tutorial Services sa Lores Plaza, Antipolo City,  ay nakakolekta ng 18 digits Personal best, dalawang puntos ang angat kay third placer Justin Hartley. Dinomina namn ni Li Kam Fung ang Spoken Numbers Category sa pagtala ng Personal best record na 56 digits.

“These Spoken numbers are read out one at a time, one per second and the competitors must remember them without writing them down first.” ayon sa World Memory Sports Council.

Nakisalo din ang Antipolo bet na si Deldio-Dianquinay sa ika-3 puwesto sa five minute words event (30 words) kasama si Simon Chalmers at nasa likuran nina top notcher Hartley (41 words) at runner-up Takeru Aoki (36 words).

Samantala, naiuwi naman ni Li ang overall title na nakapaglikom ng 3342 points kasunod sina Aoki, 2307, at Hartley, 1872.

Ang University of the Philippines (UP) Manila Campus BS Speech Pathology student na si Deldio-Dianquinay ay tuapos ng overall sixth place na may 1583.

Nitong Hulyo 7, si Deldio-Dianquinay ang nagkampeon sa women’s division ng 2012 Thailand International Open Memory Championships na ginanap sa Kasetsart University sa Bangkok, Thailand na nilahukan ng 260 mental athletes.

Ang kampanya ni Deldio-Dianquinay sa Australia ay suportado nina Antipolo City Mayor Nilo Leyble, Philippine Sports Commission chairman Ricardo Garcia, Bicycle Playing Cards, Cutting Edge at LNJ Pop Music and Academic Tutorial Services sa Lores Plaza, Antipolo City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply