Pinoy na nasawi sa oil rig blast sa Gulf of Mexico, kinilala na

MATAPOS maipabatid sa mga kaanak ang malagim na sinapit, pinangalanan na ng kinauukulang ahensya ang Overseas Filipino Worker (OFW) na namatay sa sumabog na oil rig sa Gulf of Mexico.

Kasalukuyan nang inihahanda ng Philippine Consular ang gagawing repatriation sa labi ng OFW na namatay sa pagsabog ng oil platform sa Gulf of Mexico.

Ayon kay Philippine Ambassador to U.S. Jose Cuisia, Jr., ang narekober na bangkay ng Pinoy ay kinilalang si Elroy Corporal, tubong Iligan City.

Sinabi pa ni Cuisia, nasa Baton Rouge, Louisiana na ang mga opisyal ng Philippine Consular para tutukan at asikasuhin ang bangkay ni Corporal at tiniyak ang mga kinakailangang ayuda para sa apat pang sugatang
OFW.

Ipinahayag ng opisyal, personal niyang kinausap sa telepono ang asawa ng biktima na si Mary Jean para ipaabot ang balita at tulong mula sa pamahalaan.

Pinangalanan na rin ang isa sa apat na sugatan na si Wilberto Ilagan na nasa maayos na kondisyon at nagkamalay na rin.

Pawang nagpapagaling sa Baton Rouge General Hospital sa Louisiana ang apat na OFW na sugatan sa pagsabog ng oil rig.

Samantala, umalma naman ang ilan sa manning agency sa Pilipinas na walang sapat na kakayahan ang mga Pilipinong nagtratrabaho sa sumabog na Black Elk Energy.

Unang sinabi ng may-ari ng naturang oil rig na pagkakamali ng mga Filipino workers ang pinagsimulan ng sunog.

Giit ng DNR Offshore and Crewing Services Inc, well trained o may sapat na kakayahan sa international standards ang mga welder na kanilang ipinadala sa oil rig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply