Pinoy patay sa nasira na elevator sa Korea

bangkay-2

ISANG overseas Filipino worker ang iniulat na namatay matapos na bumagsak ang sinasakyang elevator sa gusaling kanyang pinagtatrabahuhan sa South Korea nitong Nobyembre 12.

Ayon kay Efrelyn Ganio, namatay ang kanyang tiyuhin na si Sonny Manlapus, tubong Pola, Oriental Mindoro makaraang masira ang cable ng sinasakyang elevator papunta sa ika-apat na palapag ng gusali.

Batay sa report, wala nang buhay nang matagpuan ang tiyuhin sa ikalawang palapag.

Kaugnay nito, nananawagan ang pamilya ng biktima sa gobyerno na matulungan silang maiuwi sa Pilipinas ang bangkay nito.

Problema ngayon ng kaanak ng biktima kung paano maiuuwi ang biktima gayong iligal itong empleyado sa Seoul at sinasabing iligal din ang pinapasukang kompanya nito.

“Dati po legal po siya, ngayon po TNT (tago nang tago) na po siya dun. [Halos] 9 years na po siya dun. Apat na taon po siyang naging legal dun… Ang sabi nung kaibigan niya, ilegal din daw po ‘yung kumpanya sa Korea.”ayon kay Ganio.

Humingi na rin ng tulong sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang pamilya ngunit tanging pamasahe lamang sa eroplano ang masasagot ng mga ito.

Kailangan pa nilang ayusin ang Special Power of Attorney at Letter Acceptance of Human Remains para maiuwi ang bangkay ng biktima na nasa morgue ngayon sa ospital sa Korea.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply