Pinoy patay sa pagsabog ng oil tanker sa Riyadh

PATULOY ang pagpapaabot ng tulong ng konsulado ng bansa sa Saudi Arabia kaugnay sa 22 biktimang namatay kabilang ang isang Filipino sa pagsabog ng Petrol tanker na bumangga sa poste ng  flyover sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Foreign Affairs (DFA) Spokerperson Raul Hernandez, siyam sa mga sugatan ang nagpapagaling pa sa ospital habang tatlo ang nakalabas na ng pagamutan.

Dalawa sa mga sugatan ang dinala sa National Guard Hospital habang ang iba ay dinala sa Habib Hospital, Jazira Clinic, at Shumaisi.

Patuloy na inaalam ng DFA ang kalagayan ng mga Pinoy sa Riyadh kaugnay ng insidente.

Nabatid sa ulat na sobrang lakas ng pagsabog na halos mawasak ang isang mataas na gusali kung saan naroon ang tanggapan ng Zahid Tractor, isang distributor ng heavy machinery.

Ayon sa tagapagsalita ng Health ministry doon na si Saad al-Qahtani, tinatayang mahigit 135 ang nasugatan sa naganap na pagsabog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply