Pinoys nakikipaglaban na sa giyera sa Israel

israel-soldiers

KABILANG na ang ilang Filipino sa nakikipagbakbakan sa kasalukuyang nagaganap na giyera pabor sa Israel kontra sa mga militanteng Hamas.

Ayon sa panayam sa radyo kay Mrs. Elsie Tabafa Sustiel mula sa Tel Aviv, sasama ang kanyang mga binatang anak sa reserve force ng Israel na lulusob sa Gaza Strip at naghihintay lamang ng hudyat ng pamahalaan.

Ang hindi pinangalanang mga sundalo ay nag-migrate sa Israel noong 1999 at pumasok sa Israeli military na kapwa mga tubong Brgy. Igdampog Sur, Tubungan, Iloilo.

Maliban sa 24 at 25-anyos na mga binata, marami pang mga Pinoy na kasapi ng militar sa Israel ang handang sumaklolo laban sa karahasang ginagawa ng Hamas sa naturang bansa.

Ayon pa kay Sustiel, walang dapat ikabahala ang kamag-anak ng mga Pinoy sa Israel dahil protektado sila ng militar.

Samantala, masuwerteng nakaligtas naman sa pagsabog ng rocket attack ang isang Aklanon OFW na nakabase sa rin sa Tel Aviv na si Dianne Rubio Geneta, ng Brgy. Cerrudo, Banga, Aklan,  caregiver sa Israel.

Ayon din sa panayam sa radyo kay Rubio, muli silang nakarinig ng sunud-sunod na sirena kagabi bilang senyales na kailangan nilang maging alerto dahil sa walang humpay na rocket attack ng militanteng Hamas.

Ayon sa kanya, habang bitbit niya ang kanyang bag at mga mahalagang dokumento kasama ang kanyang inaalagaang naka-wheelchair na matandang babae ay nalingunan niya ang isang rocket papunta sa kanilang building.

Ngunit, bigla umano itong sumabog sa ere dahil sa iron dome o rocket interceptor ng Israel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply