Piolo Pascual ayaw nang patulan ang mga patutsada ni Sharon

AYAW nang patulan ng star ng Star Cinema movie na “24/7 In Love” na si Piolo Pascual ang mga patutsada sa kanya ni Megastar Sharon Cuneta. Kung tutuusin, nakalalalaki na ang mga banat ni Megastar rito kay Papa P pero nanatiling nakatikom ang bibig ng gwapong aktor.

Nag-ugat ang sigalot sa pagitan ni Megastar at Papa P dahil kay KC concepcion na dating girlfriend ni Piolo. May mga pinalabas kasi ang kampo ni KC na ang pinag-ugatan raw nito ay noong ma-‘caught in the act’ ni Ms. Concepcion sa kwarto supposedly ng aktor ang isang lalaki na lumabas sa mga blind item na isa umanong mang-aawit?

Balikan natin ang nasabing mga banat at patutsada ni Ms. Sharon kay Papa Piolo. Sa totoo lang, sobrang personal talaga.

Idagdag pa rito ang akusasyon ng singer/actress na mga fans taw ni Papa P ang nagtu-tweet sa kanya ng masasama pero kahit kailan, hindi pa naman ito napatutunayan ng Megastar.

May mga sinasabi pa si Ate Shawie at banta na may papasabugin raw siya sa personal na aktibidad ni Piolo kapag hindi siya tinigilan ng mga fans nito sa pagtu-tweet ng masasama.

Sa totoo lang, ano ba tong bomba na sinasabi ni Ms. Sharon na kanyang pasasabugin laban kay Piolo at gaano ba kapersonal ang pagkakikilala nito sa pagkatao ng aktor?

Sa isang panayam sinabi ni Piolo na wala siyang alam sa mga nasabing pagtu-tweet na mga fans kay Ate Shawie. As of presstime, kanyang mineeting na raw ang kanyang mga tagahanga at isa-isang kinausap ang mga ito at inimbestigahan ukol sa akusasyon ni Ms. Sharon Cuneta tungkol sa mga nagpapadala sa kanyang Twitter account na may kasamang panlalait.

Siyempre, nakaaalarma naman ang mga ganitong akusasyon ng mega-actress lalo na’t pumasok na sa eksena si Sen. Kiko Pangilinan at nagbanta itong ipakukulong ang mga tagahanga ng aktor kapag hindi pa rin raw tinantanan ang kanyang misis.

Sana maayos na ang gusot na ito at magtapos sa paupong usapan. Kahit kailan naman kasi, never na sumagot si Papa P sa mga akusasyon ni Mega. Pinatunayan lamang ng gwapong aktor ang kanyang pagiging gentleman, tama lang na manahimik siya at wag ng patulan ang nabanggit na issue.

At any rate, willing naman raw itong makipag-ayos sa kampo ni Ate Shawie, partikular na kay KC Concepcion, kung meron mang dapat ayusin sa pagitan nilang dalawa.

Itinanggi rin ng aktor ang mga nasusulat lately na nai-insecure raw siya ngayon kay Coco Martin lalo’t naka-focus ang attensyon ngayon ng ABS-CBN sa young actor.

Ano kaya’ng sikreto ni Coco at lahat raw yata ng magagandang proyekto sa nasabing network ay nasalo yata niyang lahat?

Whatever, diretsong sinabi ni Papa P sa aming panayam na never na mai-insecure siya kay Coco dahil pare-pareho lang ang tingin sa kanila ng mga excecutive sa ABS-CBN.

***

SOBRANG na-shock ang talent manager na si Boy Pilapil dahil humihingi diumano ng release order ang baguhang sexy actor na si Norris John mula sa kanyang movie outfit dahil sa advice raw ng isang kasamahan namin sa panulat na si Morly Alinio sa mga parents ng young sexy actor.

Siyempre hindi na bago ito kay Papa Boy dahil inaasahan na rin niyang mangyayari ito buhat nang pumasok sa eksena ang writer na si Raymond Vargas.

Sigurado kaming sobrang siniraan si Boy ng kampo nina Raymond at Morly sa parents ng batang sexy actor kaya nagugulo ngayon ang pagma-manage sa career nito.

Five years ang kontrata ni Norris John sa Agency ni Papa Boy at sa totoo lang, nakaka-two years palang ngayon ang nasabing starlet.

At any rate, tinawanan lamang ng mabait na talent manager ang issue. Para kasi kay Papa Boy, hindi naman Big Deal na mawala sa kanya ang male starlet.

Kaya lang, bago raw i-release ang sexy actor, may mga konting problema lamang silang dapat ayusin. Actually, ang advice nga namin kay Papa Boy ay pabayaran na lang ang remaining contract ni Norris sa kanyang Talent Agency.

Bakit naman kasi may mga naninira pa tayong mga kasamahan sa panulat gayong madali naman nilang lapitan at kausapin ang aming kaibigan?.

Walang personalan, pero dapat sigurong i-advice n’yo riyan kay Norris John na mag-aral muna siyang umarte at magpadagdag ng kanyang height.

Alangan kasi siya sa aksyon at pwedeng-pwede siya sa komedy kahit hindi siya mukhang komedyante dahil sa kanyang height. Isang bote lang ng softdrinks ang itinangkad niya kay Mahal at Mura, ano?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply