Piso kontra dolyar lumakas; oil price rollback nakaamba

DAHIL sa paglakas ng piso kontra dolyar, posibleng magpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis ngayon linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang napipintong price rollback sa gasoline ay bunsod ng patuloy na paglakas ng piso kontra dolyar na tinatayang tutuntong sa P40 kontra sa isang US dollar bago matapos ang taon.

Nabatid na sa kasalukuyan bumababa na ang presyo ng mga imported na gasolina na umabot ng P0.17-P0.20 sentimos kada litro.

Habang nasa P0.75-P0.78 sentimos kada litro ang ibinaba ng mga imported na diesel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply