Piston ‘di muna hihirit ng dagdag pasahe

SA KABILA nang pagpapatupad ng dagdag presyo sa petrolyo ang dambuhalang kompanya ng langis, tiniyak ng grupong Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na isinasantabi muna ng kanilang hanay ang hirit na dagdag pasahe ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

Sinabi ni Piston President George San Mateo na ikinukonsidera ng grupo ang kalagayan ng mga ordinaryong mamamayan kaya ipagpapaliban muna ang hirit na taas pasahe.

Ayon pa kay San Mateo, mas nais ng Piston na mapababa ang presyo ng produktong petrolyo para matulungan ang publiko lalo’t higit ang mga motorista ngayong darating na Pasko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply