PISTON: PUV E-Tagging/RFID Project ng MMDA, maanomalya

BINATIKOS ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang ikinakasa ng MMDA at 1-UTAK Partylist sa pamamagitan ni Atty Vigor Mendoza kasabwat ang mga lider ng FEJODAP, ACTO at Pasang Masda na E-Tagging o pagkakabit ng Radio Frequency Identification Device (RFID) sa lahat ng mga Public Utility Vehicles (PUV) sa Metro Manila.

Ayon kay George San Mateo, PISTON National President,nangangamoy anomalya at garapalang money-making scheme ang proyektong ito.

Inanunsyo ng MMDA sa media kahapon na kanilang sisimulan ang naturang proyekto pagpasok ng susunod na taon.

Ani San Mateo, “hindi dumaan sa public bidding ang supplier ng mga e-tagging o RFID equipments na gagamitin ng MMDA. Ang palusot ng pamunuan ng MMDA ay hindi na daw kelangan dumaan sa public bidding dahil diumano ay wala namang government funds na gagamitin ang MMDA dahil diumano “sagot” daw ng mga transport operators ang gastos sa mga e-tagging or RFID equipments na magmumula sa Pork Barrel ng 1-UTAK Partylist.”

Kung “libre” at”sagot” ng pork barrel ng 1-UTAK Partylist ang gastos sa mga e-tagging o RFID equipments na gagamitin ng MMDA, pero bakit maniningil ng P400 to P1,000 sa bawat e-tagging o RFID chip na ikakabit sa bawat public utility vehicle? Mas mahal pa ito kaysa sa money-making at corrupt RFID project ng LTO noong 2009 na pinigil ng Korte Suprema noong 2010 sa pamamagitan ng joint petition na isinampa noon ng PISTON ksama ang mga progresibong mambabatas na sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Gabiela Rep. Liza Maza, sabi ng PISTON.

Sa kabila ng kawalan ng public bidding ay malaki ang kikitain ng supplier at backers ng naturang E-Tagging/ RFID dahil maniningil ito at ang MMDA ng P400 hanggang P1,000 sa bawat E-tagging/RFID chips sa bawat public utility vehicle sa Metro Manila gaya nang sa mga Provincial Buses,  Metro buses, Jeepneys, UV Express at Metered Taxis.

Ayon sa grupo, taliwas ang naturang maanomalya at money-making na proyekto sa ipinagyayabang ni Pangulong Aquino na “Matuwid na Landas” , “Government Transparency” at Mabuting Pamahahala”  kaya nararapat lamang na pigilin ng Malakanyang ang naturang proyekto.

Marami nang mga concerned transport operators ang nagpaaabot sa PISTON na dapat tutulan ang naturang corrpt na proyektong ito lalo pa may mga naniniwalang gagamitin ng 1-UTAK Partylist ang kikitain para sa kanilang electoral campaign purposes.

Bukod pa sa malaking anomalya at money-making ang naturang proyekto, walang garantiya na mareresolba nito ang problema ng colorum hangga’t hindi nasusugpo ang matinding corruption sa mga traffic enforcement agencies ng gobyerno.

Ayon sa PISTON, dapat lamang na harangin at tutulan ng transport sector at mamamayan ang naturang proyekto lalo pa ang pondong gagamitin sa maanomalya at money-making na naturang proyekto ay popondohan ng pork barrel ng 1-UTAK Partylist ay pondo ng taumbayan.

Kagyat na makikipagkonsultahan at makikipagpulong ang PISTON sa ibat ibang transport at peoples organizations upang tutulan, labanan at protestahin ang naturang corrupt na proyekto. Panawagan ng PISTON na itigil at ibasura ang pagpapatupad ng naturang money-making at corrupt na proyekto. Nananawagan din kami sa Senado at Kamara na imbebistgahan ang naturang corrupt na proyekto ng MMDA at 1-UTAK.

Pag-aaralan din ng PISTON at ng mga kaalyado nito ang pagkakasa ng mga kilos-protesta at pagsasampa ng petisyon sa Korte Suprema upang ipatigil ang naturang corrupt at money-making project.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply