Pistons winless no more

SIYAM na laro bago nakatikim ng panalo ang Detroit Pistons sa nagaganap na National Basketball Association, (NBA) regular season.

Dumayo pa ang Pistons sa Wells Fargo Center upang payukuin ang Philadelphia 76ers, 94-76 kanina.

Parang championship game ang saya ng Pistons pagpasok nila sa dugout dahil naputol ang pinakamasamang umpisa sa historya ng kanilang prangkisa.

”We’re disappointed in our start, but it wasn’t like we had any doubt we were going to win a game,” pahayag ni Pistons coach Lawrence Frank. ”When we deserve to win, we’ll win.”

Tumikada si Greg Monroe ng 19 puntos, 18 rebounds at six assists upang ilista ang unang panalo ng Detroit.

Bumakas din si Kyle Singler ng 16 points habang sina Tayshaun Prince at Brandon Knight ay may tig-15 pts.

”We felt like, as a team, this was long overdue,” ani Monroe.

Kontrolado ng Pistons ang laban sa first half dahil iniwanan nila ang Sixers, 52-34.

Naging kalmado naman ang Pistons sa kanilang mga free throw kaya hindi na nakahabol ang Sixers hanggang sa tumunog ang final buzzer.

May 21-of-31 sa foul line ang Pistons.

Sina Lavoy Allen at Jrue Holiday lamang ang naka-double-digit score sa 76ers.

May 14 puntos si Allen at 12 naman si Holiday.

”When you see somebody beating up on you, you’re supposed to hit back,” saad ni Holiday. ”We didn’t have that today. After a while, when we tried to, everything was going their way.”

Sa ibang NBA resulta, sinilat ng Memphis Grizzlies ang Oklahoma City Thunder, 107-97 habang pahirapan naman ang panalo ng Chicago Bulls matapos talunin sa extra period ang Phoenix Suns, 112-106.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply