Pitong kandidato pasok sa JBC shortlist

PITONG pangalan ang pasok sa shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) na pagpipilian ni Pangulong Benigno Aquino III para sa nabakanteng puwesto na associate justice ng Korte Suprema.

Kabilang sa listahan sina: Court of Appeals (CA) Associate Justice Rosmari Carandang (7 boto); CA Associate Justice Jose Reyes Jr., (7 boto); CA Assocaite Justice Noel Tijam (6 na boto); CA Presiding Justice Andres Reyes (6 na boto); Government peace panel chief negotiator Marvic Leonen (7 boto); Former Energy Secretary Raphael Lotilla (7 boto); at De La Salle University Law Dean Jose Manuel Diokno (5 boto).

Isusumite kay Pangulong Aquino ang nasabing shortlist.

Si Pangulong Aquino ay mayroong hanggang Nobyembre 22, 2012 para magtalaga ng bagong Supreme Court justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply