PNoy binati si President Obama

IPINAABOT ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang pagbati kay US President Barack Obama sa pamamagitan ng isang liham na ipinadala sa White House.

Nakasaad sa liham ng Pangulo ang paggunita nito sa naging mensahe ni Pres.Obama sa American people at sa buong mundo, senyales ng pagsisimula ng mahabang daan patungo sa isang magaling na bansa may apat na taon na ang nakalilipas.

Bahagi pa rin ng liham ng Chief Executive kay Obama ang tiwala ng mga kababayan ng huli sa pagbibigay ng bagong mandato dito (Obama) at lubos na nagtiwala sa huli na manatili sa pwesto, umusad tungo sa pag-unlad at patuloy na dinggin ang boses at ideya ng mga ito.

Isinama rin ng Pangulong Aquino sa kanyang liham kay Obama ang pagkikita nila at naging madali sa mga ito na unawain ang isa’t isa at ilahad ang kanilang iisang layunin para sa kanilang nasasakupan.

Ang Pilipinas, bilang  treaty ally at  strategic partner ng America ay umaasang mas magiging malalim ang kooperasyon ng dalawang bansa dahil sa ikalawang termino ni Obama.

Tinapos naman ng Punong Ehekutibo ang kanyang liham sa pamamagitan ng “best wishes to Mr. and Mrs. Obama and their family, and to the American people.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply