PNoy dadalo sa Asia-Europe Meeting sa Laos

NAKAHANDA na si Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang pagdalo sa Asia-Europe Meeting (ASEM) sa Laos simula Lunes hanggang Martes.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ala-1:00 bukas ng hapon (Nobyembre 4) tutulak na ang delegasyon ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Valte, na ilang briefings ang ginagawa ng Pangulo bago sumabak sa dalawang araw na meeting.

Kasama sa schedule ng Pangulo ang one-on-one meeting sa mga European leader na inaasahang sesentro sa isyu ng Bangsamoro.

Magugunitang miyembro ng International Contact Group ang European Commission sa peace process sa Mindanao.

Ito ang kauna-unahang pagdalo ng Pangulo sa ASEM matapos kanselahin ang biyahe sana noong 2010 sa Brussels, Belgium.

Ayon kay Pangulong Noynoy ang kanyang pagdalo ay malaking kapakinabangan sa bansa para sa kapayapaan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply