PNoy dapat mag-ulat sa bayan

INUDYUKAN ngayon ni House Minority Leader Danilo Suarez si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na mag-ulat sa bayan ukol sa resulta ng kanyang mga biyahe.

Makabubuti aniyang mag-ulat ang Pangulo sa mga Filipino ukol sa mabuting idinulot ng kanyang mga biyahe sa ibang bansa sa halip na batikusin si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Obligasyon aniya ng Ppangulo na idetalye sa publiko ang resulta ng mga biyahe nito.

Bukod sa ginastos, kailangan din umanong ilantad sa publiko ang mga deals o kontrata at memorandum na pinasok sa mga bansang binisita ng pPangulo tulad ng Laos.

Dapat umanong malaman ito ng publiko dahil salapi ng bayan ang ginagastos sa bawat labas ng bansa ng presidente at ng deligasyon nito.

Ani Suarez, hindi naman tama na palagi na lamang si Ginang Arroyo ang pinupuntirya ng Pangulo tuwing nasa labas ito ng bansa tulad ng huli na naman nitong ginawa sa harap ng Filipino community sa Laos.

Babala ng mambabatas sa Pangulo, na maaaring mapalitan ng simpatya kay Gng. Arroyo ang walang tigil na pagbatikos niya sa dating pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply