PNoy ‘di sasawsaw sa media regulation PH

pnoy0

WALANG balak si Pangulong Benigno Aquino III na makisawsaw sa umiiral na media regulation sa bansa.

Kauwiran ni Pangulong Aquino, nakita niya ang masamang epekto ng state-controlled media kaya wala siyang balak na ibalik ang Batas Militar.

“I am old enough to remember how, before Martial Law, media was held in the highest regard and considered the journal of record. Martial Law changed that, turning a noble profession into a propaganda machine, with those in power censoring and even punishing those who spoke the truth—my father included. But, also having seen the price our country paid to regain freedom, I believe it is incumbent on all of us to continually improve the standards to which we hold ourselves and to insist on accountability—from public officials to journalists like you,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Aquino sa idinaos na 9th Media Nation Summit sa Taal Vista Hotel, Tagaytay City.

Kaya nga, kapag dinadala niya ang propesyon ng media sa publiko ay hindi para pagtawanan ito kundi punahin ang pagkukulang dahil sa kanyang paniniwala ay makakatulong ito sa media.

“So allow me to talk to you about two broad areas where your solidarity can produce tangible outcomes… Siguro ho naalala ko nasa Tagaytay tayo, tatlong araw kayo dito, kami ho dalawang oras lang yata. Pakidamay na lang niyo kami ‘pag nag-i-enjoy na kayo maya-maya konti. Solidarity can produce tangible outcomes that can lead to greater public trust in media: the lack of common standards, and corruption in your industry,” aniya pa rin.

Tinukoy nito ang pangangailangan para sa consistent standards sa media.

“Like any profession imbued with public interest, at the heart of skepticism or even hostility lies the question of conflicts of interest—and with regard to this, there are many questions left unanswered. For instance, what are the parameters concerning endorsements? What are the requirements for sources? And when anyone is unhappy with how a media person conducts himself, what are the mechanisms for redress? Citizens can go to the Ombudsman when it comes to public officials. Who can Juan dela Cruz run to in your industry? Of course, no one can answer these questions as effectively and as practically as you can—and there is a great need for these answers,” anito.

Habang ang kakulangan sa standards na ina- apply sa lahat ng miyembro ng industriya ay hindi direktang patungo sa korapsyon.

Pero mainam din daw na tulad sa gobyerno ay magkaroon ng checks and balances sa media para maiwasan ang katiwalian.

Kabilang dito ang pagtataas sa sahod ng mga reporter at magkaroon ng mekanismo para maging sumbungan ng publiko laban sa nangongotong na media.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply