PNoy hinimok na bumuo ng komite para sa media killings

maguindanao-massacre

HINIMOK ni Basilan Bishop Martin Jumoad si Pangulong Benigno Aquino III na lumikha ng komite na tututok sa mga kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag sa bansa.

Kasunod ito sa panibagong kaso ng pagpaslang sa radio commentator ng DWJJ na si Julius Cauzo sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Ayon kay Bishop Jumoad, ang mga mamamahayag ay itinuturing ng Simbahang Katolika bilang mga modernong preacher sa paglalahad ng katotohanan hindi lamang sa mga salita ng Diyos kundi maging sa mga katiwalian at mga mga isyung nakakaapekto sa buhay ng mga tao kaya’t dapat lamang na mapangalagaan ng estado ang kanilang kaligtasan.

Ikinaalarma naman ni CBCP-Episcopal Commission on Social Communication and Mass Media, executice secretary Fr. Francis Lucas ang tumataas na kaso ng media killings sa bansa.

Sinabi ng pari na dahil itinuturing na pangalawang bansa sa mundo ang Pilipinas na peligroso para sa mga mamamahayag batay na rin sa pag-aaral ng isang international watch group ay hindi aniya maiwasan na mangamba ang publiko.

Dagdag pa ni Fr. Lucas, ang mga nangyayaring krimen ngayon ay tanda ng pagpapawalang halaga ng tao sa kasagraduhan ng buhay at paggalang sa batas ng tao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply