PNoy: Maglingkod sa mahihirap sa Pasko

KAILANGANG samantalahin ng bawat isa ang holiday season para maglingkod sa mga taong mahihirap.

Sa idinaos na 55th anniversary ng World Vision Philippines sa Cubao, Quezon City, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na importanteng maiparamdam ang pagkalinga sa mga mahihirap at kulang sa buhay upang magkaroon ang mga ito ng pag-asa.

“This season, let us all be reminded of what more we could do for our countrymen. By January, the Christmas songs may stop playing in malls; the lights that decorate our houses and streets maybe gone; but it is up to us whether the hearts of the Filipino children and those of the less-fortunate, will remain lit with hope,” ayon kay Pangulong Aquino.

Sinabi pa ng Pangulo na ito ang tamang panahon upang maipakita na ang pagiging matulungin at mapagkalinga ng mga Pilipino ay hindi seasonal.

“It is up to us to show them that Filipino compassion is not seasonal. And through our work, perhaps we may allow those in the margins to lift themselves and their families out of poverty, and to one day likewise give to their countrymen in need, contributing to the virtuous cycle of social good. The fulfillment of these hopes depends on our continuous actions today,” aniya pa rin.

Kaya’t ang panawagan ng Punong Ehekutibo ay “to use this season as an opportunity to spark, once again, the spirit of kindness and community that has long characterized our people, so that together, we can move our nation forward.”

“Ulit-ulitin ko lang po: walang magandang hindi ho bumabalik sa nagbigay ng kagandahang ito. Wala hong kabutihang hindi nasusuklian. Binigyan ho tayong lahat ng pagkakataong makatulong sa ating kapwa; talagang sa ganito pong paraan, paggawa po ng pagtulong na ‘yan, pare-pareho tayo, sabay-sabay umaangat,” ayon sa Pangulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply