PNoy pabor kay Leonen bilang Associate Justice ng SC

PABOR si Pangulong Benigno Aquino na maupo si Government Peace Panel Chief Marvic Leonen bilang associate justice ng Supreme Court.

Nauna rito, malakas ang usap-usapan at kumakalat na impormasyon mula sa ilang insider sa Malakanyang na pabor si Aquino kay Leonen na maging associate justice ng Supreme Court.

Mayroon umanong bentahe si Leonen upang umupo sa binakanteng puwesto ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito’y makaraang himukin ni Ginoong Aquino si Leonen na mag-apply para sa naturang posisyon sa SC.

Kabilang ang dating UP Law dean sa mga nominado sa pagka-mahistrado sa Korte Suprema.

Sakaling italaga, mananatili bilang mahistrado si Leonen ng mahigit 20 taon dahil mahigit sa 40 lamang ang edad nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply