PNoy pinagpapahinga para ‘di mabinat

PINAGPAPAHINGA si Pangulong Benigno Aquino III ng kanyang doktor para maiwasan na mabinat.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, hindi maayos ang pakiramdam ng Pangulong Aquino nang bumiyahe ito patungong Cambodia para dumalo sa ASEAN Summit na tatagal hanggang November 20.

“Ang advice ng kanyang doctor, the President should be able to rest whenever he can to avoid a relapse,” ayon kay Usec. Valte.

Sa kasalukuyan, maayos naman ang kalusugan ng Punong Ehekutibo habang nasa Cambodia.

“So far, maayos naman ang pakiramdam ng Pangulo. Lagi may kasamang doctor ang Pangulong Aquino. Standard po ’yon ’yung PSG doctor na kasama ng Pangulo ‘yan kahit saan siya magpunta,”ani Valte.

Aminado ang opisyal na hindi pa kagandahan ang pakiramdam ng Pangulo matapos magkatrangkaso
kaya’t pinayuhan ng mga doktor na magpahinga ng dalawang araw.

“While the President’s doctors advised rest for at least two days to ensure full recovery and prevent a relapse, the President has decided to push through with the trip. This is in light of the preparations already made and the importance of the gathering for the formation of a regional consensus to ensure stability and peace in ASEAN,” ani Valte.

Aniya, nanghihinyang ang Pangulo sa mga ginawa ng paghahanda at mahalaga ang regional forum na layuning makabuo ng isang concensus para sa ikakatatag ng ASEAN.

Naniniwala din ang Pangulo na dahil sa mga pinakabagong developments sa mundo, kailangan nitong madaluhan ang summit para mapag-usapan ang maaring epekto nito sa rehiyon at maging sa Pilipinas.

Batay sa diagnosis ng mga doktor, may trangkaso (influenza) at allergic rhinitis kaya ito nagkaroon ng lagnat at mga tinatawag na body malaise.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply