PNoy sa NGOs: Maging gabay sa pagpili ng mga iboboto

Pangulong-Benigno-Aquino-III

BUKOD sa pagbabantay ng mga balota, maging gabay sana ang mga non government organizations (NGOs) sa pagpili ng mga itatalagang pinuno sa bansa.

Sa idinaos na 5th National Congress of the Caucus of Development NGO Networks sa SM Skydome, SM North EDSA, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na sa Mayo ay muling haharap sa eleksyon ang bansa at kailangan ang tulong ng NGO para sa maayos, malinis at mapayapang halalan sa bansa.

“Sa matagal na panahon, nasadlak tayo sa pag-iisip na pare-pareho lang ang lahat ng gustong maglingkod sa gobyerno. Pero nakita ninyo ang pagkakaiba ng estilo ng aming pamumuno, sa dinatnan nating status quo. Hahayaan ba nating pamunuan tayong muli ng mga kawatan at nanlalamang? Huwag naman po sana,” ayon kay Pangulong Aquino.

Sa tulong aniya ng NGO ay nagawa ng pamahalaan na baguhin ang imaheng naging tatak ng Pilipinas sa nakalipas na dekada: mula sa baluktot na pagmamando.

Itinawid aniya niya ang bansa sa matuwid na pamamahala kaya nga nagpapasalamat siya sa pakikiisa ng NGO sa mga programang itinataguyod ang pananagutan sa lahat ng antas ng pamahalaan.

Binigyang halimbawa nito ang pakikipagtulungan sa Full Disclosure Policy, Seal of Good Housekeeping, at Performance Challenge Fund ng Department of Interior and Local Government.

“Mahalaga rin po ang papel ninyo sa isinusulong nating bottom-up budgeting. Sa pamamagitan nito, binibigyan natin ng pagkakataong makilahok ang ating mamamayan sa pagtitiyak na walang tagas sa pondo ng bayan,” aniya pa rin.

Sa tulong aniya ng NGOs, ay kumpiyansa siyang patuloy na makakapagpunla ng magandang bukas para sa Pilipinas at sa Pilipino.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply