PNoy tutulak pa-Cambodia bukas para sa ASEAN Summit

MAKARAAN ang pagdalo sa 9th Asia-Europe Meeting (ASEM) sa Laos, tutulak na naman si Pangulong Benigno Aquino III sa bansang Cambodia, bukas, November 17.

Ang pagtungo sa Phnom Penh, Cambodia ni Pangulong Aquino ay para dumalo sa 21st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na inaasahan ding dadaluhan ni re-elect US President Barack Obama.

Sa araw ng Linggo, makahaharap ni Pangulong Noynoy si Obama kaugnay ng 4th Asean-US Leaders’ Meeting.

Samantala, sa Martes, dadalo ang Pangulo sa ASEAN global dialogue kasama ang iba pang lider ng ASEAN.

Kaugnay nito makikipag-ugnayan si Pangulong Aquino kay Malaysian Prime Minister Dato’ Sri Mohd Najib bin Tun Abdul Razak kaugnay sa pagtugis kay Aman Futures Group Philippines Inc. CEO Manuel K. Amalilio.

Sinabi ngayon ni Interior Secretary Mar Roxas, na idudulog ng Pangulo ang nasabing concern kapag nagkita sila ni PM Najib sa Cambodia kasabay ng ASEAN Leaders’ Meeting.

Ayon kay Roxas, gagamitin ng Pangulo ang ASEAN Mutual Legal Assistance para mapabalik sa Pilipinas si Amalilio.

Maliban kay Amalilio, hinahanap din ng mga awtoridad sina Fernando “Nonoy” Luna, Lelian Lim Gan, Edward L. Lim, William L. Fuentes, Naezelle M. Rodriguez at Luri Lopez.

Una nang tiniyak ni Pangulong Aquino na pananagutin sa batas ang mga nasabing sangkot sa scam kasabay ng pahayag na hindi nagkulang ang gobyerno sa pagpapaalala laban sa nasabing grupo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply