PNoy umaasang maipapasa agad ang sin tax bill

Pangulong-Benigno-Aquino-III

HINDI masama ang loob ng Pangulong Benigno Aquino III sa Senado dahil sa kabiguan ng huli na mailusot ang kontrobersyal na Sin Tax Bill.

Subalit aminado si Pangulong Aquino na umaasa siyang maipapasa sa lalong madaling panahon ang panukalang batas na mahalagang paghuhugutan ng pondo para sa health programs ng administrasyon.

Matatandaang certified as urgent na ang naturang panukalang batas na hindi karaniwang ginagawa ng Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, ikinatuwa ni Pangulong Aquino ang naging takbo ng deliberasyon kagabi (Nobyembre 19) kung saan na-adopt ang bersyon ni Sen. Franklin Drilon.

Hayagang pinabulaanan naman ni Pangulong Aquino ang ulat na magiging kawawa sa batas ang mga tobacco farmers sa Luzon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply