PNoy’s tuwid na daan waepek

_bong padua

SA administrasyon ni Pangulong Aquino sumikat ang mga katagang ‘Tuwid na Daan’ dahil ito – kumbaga – ang slogan niya sa paglaban sa korapsiyon.

Kung bakit ganun na lamang ang galit ng PNoy sa katiwalian, ito’y dahil  ang kalakaran na ito sa gobyerno ang dahilan kaya hindi makahulagpos ang bansa sa kahirapan.

Ilan nang mga Presidente ang lumipas at katulad niya, nangarap  din ang mga ito na sana ay maging katulad ng Pinas ang Singapore, Hong Kong o Japan kaya.

Kaya nga lamang, mahina ang ugat ang pulitika natin, ‘di katulad ng mga Pangulo sa mga bansang ito na kapag sinabing ‘puti’ ay hindi na puwedeng gawing ‘itim’.

Ibig ba naman nating sabihin eh, kapag sinabi mong ‘Tuwid na Daan’, dapat lumakad ng diretso at hindi na kailangang lumiko  pa ng tinatahak.

Sa mga speech ni PNoy, bukambibig ang ‘Tuwid na Daan’. Pakiwari nga natin, ito na ang patuntunan ng Aquino leadership para sa pinapangarap nating pagbabago.

Pero kahit yata naging dahilan na ito ng pamamaos ng Pangulo sa marami niyang speech engagement, naririyan pa rin ang korapsiyon sa maraming ahensiya ng pamahalaan.

Kumbaga eh, waepek ang ‘Tuwid na Daan’ ng Pangulong Aquino.

Klasikong  halimbawa ng sangay ng gobyerno na sumusuway sa battlecry na ito ng Presidente ay ang Department of  Environement and Natural Resources.

Kung pagbabasehan ang napakaraming reklamong pagkasira ng kapaligiran,  walang dudang ‘di karapat-dapat  si Sec. Ramon Paje sa kanyang puwesto.

Maraming sumbong tayong natanggap sa kainutilan ng DENR, ang huli ay ang reklamo ni  Zamboanga del Sur Governor Antonio Cerilles.

Nabigo si Paje na pahupain ang namamagitang tensiyon sa lalawigan ni Cerilles na ang pinagsimulan din ay ang inilabas na special permit ng DENR sa isang mining company na ang gamit ay pekeng credentials upang makapagmina ng ginto at iba pang minerals sa probinsiya.

‘Yung mga sinasabing indigenous peoples’ groups na umano’y sumusuporta sa mining company ang sila mismong nagrereklamo sa kompanya dahil masyado nang nagagahasa ang kanilang kalikasan.

Napag-alaman na ang Mining Bureau Director na si Leo Jasareno ang nagdedetermina kung ang isang aplikante sa pagmimina ay nakasusunod sa require-ments ng batas.

Kung peke pala ang credentials ng mining company na inirereklamo ni Cerilles para makapagmina, ibig sabihin ay pilipit ang ibinigay ritong special permit?

Kung ganito ang iniupo ng Pangulong Aquino sa ahensyang ito, mararating ba ng mga Pinoy ang patutungunhan na ipinangako ni PNoy?

At kung patuloy ang kalokohan sa DENR, at posible sa iba pang ahensya ng pamahalaan, sino ang maniniwala na taus sa puso ng Pangulo ang bukambibig niyang ‘Matuwid na Daan’.

Tila, naguyo na naman tayo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply