PNP at NYPD nagsanib pwersa vs terorismo, transnational crimes

LUMAGDA sa isang memorandum of agreement ang Philippine National Police (PNP) at US New York Police District (NYPDs ) upang palakasin ang kanilang puwersa layong sugpuin ang transnational crimes.

Nilagdaan noong Miyerkules sa Kampo Crame ang MOU sa pagitan nina PNP Director General Nicanor Bartolome at kinatawan ng NYPD na si Lt. Gustavo Gutierrez. Gutierrez na nakatalaga ngayon sa kanilang satellite office sa Singapore kung saan sakop nito ang may 17 bansa kabilang ang Pilipinas.

Nakasaad sa kasunduan ang kooperasyon ng dalawang puwersa ng pulisya ng magkabilang bansa  para mapigilan at labanan ang lahat ng uri ng transnational crimes kagaya ng  illegal drugs, terorismo, anti-smuggling, human trafficking, maritime fraud at cybercrime,.

Sa panig naman ni Gutierrez, nagpapasalamat, aniya, sila sa PNP dahil tinanggap ang imbitasyon na maging katuwang ng NYPD sa kanilang giyera laban sa terorismo sa buong mundo.

Magkagayunman, tumanggi si Gutierrez na tukuyin kung anong grupo ng sindikato ang kanilang sinusubaybayan sa teritoryo ng Pilipinas pero handa silang makipagtulungan sa Pilipinas alinsunod sa isinasaad ng kasunduan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply