PNP, DENR inutil – Greenpeace

DISMAYADO ang environmental group na Greenpeace sa gobyerno dahil hindi nito napoprotektahan ang mga karagatan sa bansa laban sa mga barko at establisimyento na nagtatapon ng kanilang dumi dito.

Partikular na tinukoy ng Greenpeace ang Philippine National Police (PNP) at Department of Environment and Natural Resources  (DENR) na hindi umano nagagampanan ang kanilang mga trabaho para protektahan ang ating karagatan.

Ayon kay Vince Cinches, ocean campaigner ng Greenpeace kung nagagampanan lamang ng PNP at DENR at iba pang ahensya  ng gobyerno ang kanilang trabaho hindi sana manganganib ang ating mga karagatan.

Nangangamba din si Cinches na maaaring maubos ang ating mga likas na yaman katulad ng tuna at galunggong kapag hindi  maprotektahan ang ating mga yamang dagat.

Sinabi pa ni Cinches na kung magpapatuloy ang pagtatapon ng mga waste materials sa ating mga karagatan hindi malayong  maubos ang ating mga yamang dagat at tuluyan nang maubos ito at mag-import na lamang tayo ng mga isda sa ibang bansa.

“Kung magtutuloy-tuloy ang ganitong sitwasyon baka mag-import na lang tayo ng isda sa ibang bansa” ayon pa kay cinches.

Samantala, sinabi naman ni Beau Bacongues, country manager ng Greenpeace na hindi sila kumbinsido sa trabaho ng ginagawa ng pamahalaan para protektahan ang ating mga yamang dagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply