PNP: Lisensiya ng baril i-renew na

NANAWAGAN ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa lahat na nag-iingat ng baril na pagtuunan ng pansin ang pagre-renew ng kanilang armas upang maiwasan ang suliranin.

Ang panawagan ay kaugnay sa itinakdang deadline ng PNP para sa mga may-ari ng baril na magpapa-renew ng kanilang mga lisensya.

Ayon kay Firearms and Explosives Office director Chief Supt. Raul Petrasanta, hanggang Disyembre 31 ang mga may-ari ng baril na magpa-renew ang kanilang lisensya kundi ay sasampahan na ng kasong kriminal ang mga ito.

Maliban dito, magbabahay-bahay din ang mga pulis para makumpiska ang mga hindi lisensyadong baril na na mahigpit na pagsusulong ng inilunsad na ‘Oplan kontra Boga’.

Layon nito na maibaba ang bilang ng loose firearms na ginagamit sa election related violence.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply