PNR may ‘Fun Ride Day’ bukas sa Metro

PNR-train

MAGBIBIGAY ng libreng sakay bukas ang Philippine National Railways (PNR) para sa mga commuter train nito sa Metro Manila.

Ayon sa PNR, ang “Fun Ride Day” ay kaugnay ng kanilang pagdiriwang sa ika-120 anibersaryo.

Nilinaw ng PNR na ang libreng sakay ay mula Tutuban hanggang sa bago sumapit ng Sariaya, Quezon at sa pagitan lamang ng ala-7:00 hanggang 9:00 ng umaga at ala-5:00 ng hapon hanggang ala-7:00 ng gabi.

Kasabay nito, ipinahayag naman PNR na sa pagsapit na ng Pasko maibabalik ang normal na operasyon ng tren.

Posibleng matagalan pa ang pagsasaayos ng dalawang tulay na dinaraanan ng kanilang tren sa Sariaya, Quezon.

Nabatid na aabutin pa ng Pasko bago bumalik sa normal ang byahe ng PNR mula Naga City patungong Metro Manila dahil sa maintenance work.

Matindi ang naging pinsala ng dalawang tulay sa naturang lugar kaya inamin ng PNR na nahihirapan silang ayusin ito.

Sa kabila nito, inihayag ng opisyal na ginagawa na nila ang lahat upang maibalik na sa normal ang kanilang operasyon kasabay ng pagbibigay ng libreng sakay sa commuters ng PNR.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply