Point system sa mga aplikante sa hudikatura, Ombudsman hiniling

HINILING ni Judicial and Bar Council (JBC) executive Committee Chairman Regino Hermosisima ang pagkakaroon ng “point system” para sa pagsala ng mga aplikante sa bakanteng puwesto sa hudikatura at Ombudsman.

Sa ilalim ng panukala, kailangang bigyan ng puntos ang bawat kandidato batay sa mga sumusunod:

1. 20 points para sa educational background (10 puntos para sa scholastic performance at 10 para sa grado sa bar exams)
2. 15 puntos para sa work experience
3. 15 puntos para sa performance
4. 20 points para sa integridad
5. 20 puntos para sa lagay ng kalusugan nito (10 para sa physical health at 10 puntos para sa mental health)
6. 10 puntos para sa iba pang accomplishment o limang puntos para sa awards at limang puntos para sa legal writings

Sa panukala, maaari lamang tanggapin ang mga kandidato na may iskor na mas mababa sa 70% kung ito ay mayroong exceptional qualification.

Kaugnay nito, pag-aaralan pa naman ang naturang panukala at kung maaari itong gamitin para sa mga aplikante.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply