Political will ilaban sa illegal drug trade

POLITICAL WILL at hindi death penalty ang kailangan ng pamahalaan para tuluyang masugpo ang lumalalang problema ng bansa sa illegal na droga.

Ito ang paninindigan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kasunod nang panawagang buhaying muli ang parusang bitay sa bansa.

Ayon kay Pabillo, kung may political will lamang ang pamahalaang Aquino ay masusugpo ang “drug trade” at mahuhuli ang mga drug lord.

Kasabay nito, nagpahayag ng pangamba si Pabillo na kapag walang ginagawang hakbang ang gobyerno para sugpuin ang drug trade ay matutulad ang Pilipinas sa Mexico at Latin America kung saan umiiral ang “narco-politics”.

“Kung may political will ang pamahalaan na sugpuin ito ay kahit na sino ang tamaan. Kasi kung hindi natin gagawin baka matulad tayo sa Mexico maging sa ibang Latin America. Baka maging narco-politics tayo.  Ito ang dapat bigyang pansin. Hindi naman death penalty ang  problema kundi yung mga nagdo-droga. Ito ang dapat nating sugpuin at harapin ng seryoso,” ayon kay Pabillo.

Matatandaang nabuhay ang panawagang buhayin ang death penalty matapos paslangin ng dalawang drug addict ang UST graduate na si Cyrish Magalang sa Cavite kamakailan.

Samantala, naniniwala rin ang Obispo na mahalaga sa kampanya laban sa droga ang information campaign upang iligtas ang mga kabataan na karaniwang biktima.

Dismayado rin ang Obispo dahil hindi maganda o hindi naging epektibo ang trabaho ng Philippine Drug Enforcement Agency sa kasalukuyan kumpara sa nagdaang administrasyon bunsod ng korapsyon at iringan sa mga namumuno sa ahensiya.

Kaugnay nito, hinimok ng Obispo ang pamahalaan na palakasin ang PDEA, iba’t-ibang law enforcement agency at magkaisa ang mga ito para masugpo ang paglaganap ng droga sa bansa dahil 80-percent ng mga bilanggo sa kasalukuyan ay drug related ang kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply