Politika motibo sa pag-ambush sa kapitan

crime11

POLITIKA at paghihiganti ang tinitignan angulo ng mga pulis sa pananambang sa barangay chairman sa Malabon City kamakailan.

Lumalabas na nagkaroon ng kasong frustrated murder at attempted murder si Barangay Chairman Greg Bernardo, 44 ng San Agustin ng lungsod na nadismiss noon Pebrero 28, 2005 ng RTC Branch 74 subalit nasira umano ang mga record ng korte makaraan bahain noon bagyong Undoy.

Bago ang pananambang ay may nagsabi umano kay Bernardo na manahimik at mag-iingat sa susuportahan sa darating na eleksiyon sa isang taon.

Hindi naman sinabi ni Bernardo kung sino ang nagbigay ng babala.

Magugunita na noong Nobyembre 17, 2012  dakong alas-3:15 ng madaling araw, sakay ng Starex Van sina Greg Bernardo; asawang si Maria Victoria, 42 at negosyanteng si Ronnie Sengco, 39 ng Baritan ng lungsod at papaalis na sa Dampa Bar and Restaurant sa Gov. Pascual Avenue sa Catmon ng lungsod nang sumulpot ang mga suspek at paulanan ng bala ang Van.

Pinalad na walang tinamaan hanggang sa makuha ni Bernardo ang kanyang baril at gumanti ng mga putok.

Dahil dito, nagpulasan na ang mga suspek habang tumawag ng mga pulis ang mga biktima kung saan inaalam na ang motibo sa pananambang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply