Politiko na nag-eendorso ng produkto, okay kay Sotto

WALANG nakikitang masama si Senate Majority Leader Vicente Sotto III hinggil sa pag-eendorso ng public official sa iba’t ibang produkto.

Kaugnay nito, diskumpiyado si Sotto na makalulusot ang panukalang-batas sa Kamara na naglalayong parusahan ang mga public officials, selected man o appointed na may mga endorsement ng iba’t ibang produkto lalo na kapag papalapit ang halalan.

Kalokohan para kay Sotto ang nabanggit na panukalang-batas at malamang na hindi ito makakuha ng suporta ng mayorya.

Walang nakikitang mali si Sotto sa pagkakaroon ng product endorsement ng ilang opisyal ng gobyerno tulad ng ilang senador.

Sinabi pa  ni Sotto na wala naman itong nilalabag na batas at mas makabubuti umanong isulong ay pagbabawal na lang sa mga political ads sa media para patas na ang labanan sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na kandidato.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply