Politiko sa listahan ng PDEA, kwestiyunable — Rep. Suarez

danilo-suarez

KINUWESTYON ni House Minority Leader Danilo Suarez ang listahan na inilabas ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Arturo Cacdac ukol sa mga nasasangkot sa droga kabilang ang isang dating kongresista.

Sa isang press conference, sinabi ni Suarez na nagkausap sila ni Cacdac noong Lunes kung saan ipinakita umano nito ang may 53 politiko kabilang ang isang dating Kongresista na ang kaso ay naresolba at napagsilbihan ang sentensya sa Hongkong.

Isang resolusyon ang inihain ni Suarez na nagsusulong ng imbestigasyon ukol sa report ng PDEA dahil posibleng mamayagpag sa 2013 election ang narco-politics.

Banggit pa ng kongresista na madaling pagkunan ng pondo ang droga at hindi, aniya, imposibleng bumuhos ang drug money.

“Small fry lang naman ang nasa listahan na ipinakita sa atin ni PDEA Chief Cacdac at kinukwestyon ko nga kung bakit naroon ang pangalan ng dating colleague na naresolba na ang kaso,” ayon kay Suarez.

Kabilang sa listahan ni Cacdac ang 13 village chairmen, 30 konsehal, 2 municipal councilors, isang vice mayor at isang city councilor.

Subalit hindi malinaw kung ang nasa listahan ay mga pushers o users ngunit tiniyak ni Cacdac na ang mga kaso ay naisampa na sa Korte o naresolba na.

Panawagan ni Suarez na sa sandaling makumpirma ang mga politikong sangkot sa droga ay makabubuti ilantad ito sa publiko.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply