Pramis sa ‘aking birthday’ at untouchable na mga sugalan

burdado- jun briones

BUKAS, habang simple kong ipagdiriwang ang aking kaa-rawan, ay mananahimik muna ang aking kolum na Burdado sa pagbanat sa mga iligalista. Pramis!

Hindi ibig sabihin, parekoy, na pinadalhan nila tayo ng alak o anomang regalo.

Lalo namang hindi ito nangangahulugan na hindi na natin sila muling babanatan.

Dahil sa sunod na araw ay muli natin silang kakalampagin sa kanilang mga iligal.

Ika nga, eh, ceasefire muna bukas dahil abala tayo siyempre sa pagtanggap sa ating mga bisita. Lalo na sa kanilang mga dala. Ehek!

Paalala rin, parekoy, roon sa ating mga kaibigan na kung may umikot sa inyo na para sa aking kaarawan ay huwag po ninyo silang paniniwalaan.

Wala pong basbas sa akin ‘yan, dahil ayaw ko ng ganyan.

Naniniwala kasi ako, parekoy, na ang tunay na kaibigan ay hindi na iniikutan! Hehehe!

Sapagkat higit na pinagpapala ng Diyos ang nagbibi-gay keysa tumatanggap.

Hak, hak, hak!

Nagbibiro lang, parekoy, dahil bukas ay ako na yata ang pinakamasayang tao. Bakit?

Kasi po hindi nakatsamba ang mga taong galit sa akin na ako ay kanilang maipatumba para matuldukan na ang aking “happy birthday!

Pramis, parekoy, pagkatapos ng aking birthday ay muli tayong aarangkada. At makiki-pagpatintero muli sa mga gago!

-MAKATI CITY-

NASA tungki na ni Mayor Jun-jun Binay ang bagong bukas na sugalan sa Brgy. Comembo.

At ipinagmamalaki ng “booker” na si Dandan na hindi sila matitibag dahil sila ay naglagay sa tanggapan ng COP.

Weeeh, talaga? Kilos Chief!

-TAGUIG CITY-

NAGMISTULANG casino ang loob ng malaking carnival na inilagay sa loob ng FTI riyan sa lugar ni Mayor Cayetano.

Pasyalan mo, Mayor Lani, at hanapin mo si Mike Pogi para personal mong makita ang
mga sugalan sa loob na dinurumog maging ng mga kabataan!

-CAVITE-

CAVITE City, Rosario, Noveleta at Kawit, d’yan naglipana ang mga pasugalang untouchable raw dahil sa connection ni Danny itlog na siyang “management.”

Sandali lang, Prov’l. Dir.  SSupt. John Bulalacao, ‘di ba pinatigil mo na ang mga ‘yan dahil sa utos ni RD Melad?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply