Prangkisa ng Telcos irerevoke pag ‘di sumunod sa kautusan ng NTC

IREREVOKE ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., ang prangkisa ng telecommunications companies kapag patuloy na magmamatigas ang mga ito sa kautusan ng National Telecommunicatons Commisson (NTC) na i-refund ang sobrang singil sa kanilang mga subscribers sa regular text mula sa Diyembre 2011.

Ayon kay Revilla, chairman ng Senate committee on public services, mapipilitan siyang magpatawag ng padinig at busisiin ang prangkisa ng Telcos na maaring humantong sa pagka-revoke nito kung patuloy na balewalain ang kautusan ng NTC.

“The proper government regulator has already issued its order and they should comply. If they don’t, I, as chairman of Senate Committee on Public Services, will initiate a review of the Telcos’ franchises as this may be a ground for their revocation,” babala ni Revilla.

Ani Revilla, magandang pamasko ito sa mga subscribers kung agarang maisauli ng Telcos ang subrang singil sa regular text.

“Dapat agarang isauli sa pinakamadali at maayos na paraan ng mga telcos sa kanilang subscribers ang sobrang isiningil nila. Magandang pamasko ito sa publiko. Ang mga ganitong positibong bagay ang dapat natatanggap nila at dapat pagtuonan ng pansin ng pamahalaan, hindi mga panukalang gaya ng text tax na magdaragdag pa ng panibagong pasanin sa kanila,” dagdag pa ni Revilla.

Kaugnay rin nito, hindi naman napigilan ni Senador Manny Villar, chairman ng Senate committee on trade and commerce na pasaringan ang Telcos sa mabilis na pagtalima sa kautusan ng NTC kung pabor sa kanila pero maraming dahilan kapag walang makukuhang benipisyo.

Kaya’t  giit ni Villar, dapat agad na tumalima ang Telcos sa kautusan ng NTC.

“Pagka benipisyo sa kanila ay susundin nila paghindi ay ayaw nilang susundin, dudulog sila sa korte. Ako naniniwala na sundin nila ang NTC at i-refund nila ang ating kababayan,” wika ni Villar.

Napag-alaman na planong humirit ng Telcos sa NTC dahil mayroon umano silang karapatan para magtakda ng retail price sa kanilang serbisyo, katulad ng short messaging services o SMS.

Nauna rito, inihayag ni NTC-Common Carrier Authorization Department Dir. Edgardo Cabarrios na sinuway umano ng mga Telcos ang naunang Memorandum Circular na ipinalabas noong Disyembre 2011 kung saan ipinag-utos ang pagbaba ng short messaging service (SMS) rate.

Kaugnay nito, mula sa P1.00 singil sa regular text ng naturang mga kompaniya, ipinag-utos NTC na ibaba sa P0.80 ang kanilang interconnection charges.

Saklaw ng pinakabagong desisyon ay ang post paid at pre paid services ng mga kompanyang Smart, Globe at Digital Mobile Phils.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply