PRC: 7,171 pasado sa Criminologist Licensure Exam

KINUMPIRMA ng Professional Regulation Commission (PRC) na umabot sa 7,171 ang nakapasa sa isinagawang Criminologist Licensure Examination noong nakaraang buwan.

Sa inilabas na listaha ngayong araw ng PRC, ang nasabing bilang ay mula sa 22,289 na kumuha ng naturang pagsusulit.

Kinilala ang nakakuha ng pinakamataas na marka na si Marlo Dajao ng Sto. Niño College of Ormoc (91.30), na sinundan ni Mark Allen Pulido ng Central Luzon College of Science and Technology-Olongapo na nakakuha ng marking 90.60.

Ayon sa PRC, nakatakdang iisyu ang Professional Identification card (ID) at Certificate of Registration ng mga nakapasa sa ngayong hanggang ngayong Nobyembre 29.

Pinaalalalahanan naman ng PRC ang mga magpapatala na nakapasa sa pagsusulit na personal na magtungo at magparehistro sa Roster of Registered Professionals at bitbitin ang mga sumusunod:

– Panunumpa ng Propesyonal o duly accomplished Oath Form,
– Kasalukuyang Community Tax Certificate (cedula),
– 2 piraso ng passport size picture (colored with white background and complete nametag),
– 1 piraso ng 1” x 1” picture (colored with white background and complete nametag),
– 2 set ng metered documentary stamps
– 1 short brown envelope na may pangalan at propesyon
– Kabayaran sa initial Registration Fee na P600 at Annual Registration Fee na P450 para sa taong 2012-2015.

Kaugnay nito, pinaalalahanan din ng PRC ang mga ito na antabayanan ang petsa ng panunumpa o oathtaking ceremony.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply