Presong kumatay sa mag-ina, nagbigti

bangkay

NAGBIGTI sa kanyang selda ang isang preso matapos pagtatagain ang isang mag-inang dadalaw sa kanilang padre de pamilyang nakakulong sa Masbate Provincial Jail nitong Lunes ng gabi (Nobyembre 26).

Matigas na ang katawan nang madiskubreng patay na pala ang suspect na si Rey Esparraguera, preso ng MPJ.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas 7:30 nitong Lunes ng gabi nang madiskubreng patay na pala si Esparraguera sa loob ng MPJ sa Milagros, Masbate.

Bago ito, sa hindi malamang dahilan ay pinagtataga ni Esparraguera ang mag-inang sina Ressie Basical, 31-anyos, at ang anak nitong si Jayson, 9-anyos ,at isa pang bilanggo habang dinadalaw ang kanilang padre de pamilya na tulad ni Esparraguera ay preso rin ng MPJ.

Ilang oras matapos ikasa ang krimen, nakitang nakabigti na lamang si Esparraguera sa loob ng kanyang selda.

Nakatakda namang imbestigahan ng MPJ kung paanong naipasok sa selda ni Esparraguera ang itak na ginamit sa brutal na pananaga sa mag-ina.

Kinukumpirma pa ngayon ng PNP ang anggulong may kaugnayan sa crime of passion ang insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply