Presong nagbaliw-baliwan, nakapuga sa Agusan

NAKAPUGA ang isang preso na may tatlong taon nang nakakulong matapos magkunwaring nabuburyong sa loob ng Agusan del Norte Provincial Jail nitong Sabado ng gabi (Nobyembre 3).

Dahil dito, ikinasa na agad kaninang umaga (Nobyembre 4) ni Agusan del Norte Provincial Jail warden Engineer Luisito Agura, ang manhunt operation para maibalik sa kanyang selda ang presong si Bonifacio Lozada, 29, ng Magallanes City, Agusan del Norte.

Ayon kay Agura, naganap ang pagtakas ni Lozada  alas-8:30 nitong Sabado ng gabi habang nasa labas ng kanyang selda.

Bago ito, nagreklamo ang kapwa preso ni Bonifacio na tila nabuburyong at nagsasalitang mag-isa ang kanilang kasamahang preso matapos makitaan ng kakaibang pagkilos.

Sa takot na makapanakit ng ibang preso, inilabas panandali si Bonifacio sa kanyang selda habang hinihintay ang kautusan na mapasuri ito sa doktor na bihasa sa paggamot sa mga taong nawawala sa sarili.

Pero nang maggabi na, nawalamng parang bula si Bonifacio at may nakapagsabing tumalon ito sa isang tower.

Tatalong taon nang nakakulong sa naturang piitan si Lozada at nahaharap sa kasong illegal drugs o paglabag sa RA 9165.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply