Presong palsipikador na nakapuga, tinutugis

kulong

HINAHANTING na ngayon ng awtoridad ang isang presong palsipikador na nakatakas sa kamay ng kanyang police escort nitong Lunes ng hapon sa Quezon City.

Ang presong si Reynaldo Yumul, na may kasong malversation with falsification of documents ay nakaditine sa Masambong police station sa La Loma noon pang nakaraang buwan.

Pero nitong nakaraang Lunes ng hapon, nakatakas si Yumul sa kamay ng kanyang police escort na si P02 Dave Pamintuan matapos ang pagdinig sa kanyang kaso sa Quezon City Regional Trial Court Branch 219.

Nahaharap naman sa kasong negligence o infidelity in the custody of prisoner si Pamintuan sa ilalim ng Revised Penal Code at kasalukuyang nasa kustodiya ni P/Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Laloma policed station.

Sa salaysay ni Pamintuan,  humingi sa kanya ng pahintulot si Yumol na kumain sandali sa isang convenient store matapos ang kanyang pagdinig sa QCRTC nitong nakaraang Lunes ng ala1 ng hapon .

Ayon kay Pamintuan, may inalagay si Yumol na pampatulog sa kanyang iniinom kaya nang siya ay mahimasmasan ay wala na ang kanyang binabantayang preso.

Apat na oras ang nakalipas, napansin ng mga kasamahan ni Pamintuan na hindi pa ito bumabalik pati na ang prsong sinamahan nito.

Nang tawagan si Pamintuan sa kanyang cellphone, wala itong maibigay na magandang paliwanag kaya nang malaman na nasa  bahay ito ay pinasundo ito para arestuhin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply