Pressure ramdam ng Azkals

azkals9

PINAPASAN ng Philippine Azkals ang mabigat na pressure dahil sa laki ng ekspektasyon sa kanila ng mga Pinoy fans sa lalahukan nilang AFF Suzuki Cup group stage na sisipa bukas sa Bangkok Thailand.

Makakaharap agad ng Azkals ang hindi pa nila natatalong Thailand kaya naman pagkarating nila sa nasabing bansa ay nag-ensayo agad ang mga ito.

Hindi pa nakakatikim ng panalo ang Pinoy Booters sa Thailand sa anim na paghaharap mula pa noong 1996.

Bukas ng alas-9:20 ng gabi, (Manila time) ang salpukang Azkals vs Thai na gaganapin Ajamangala stadium.

Susunod na makakasipaan ng No. 143 ranked, Azkals ang Vietnam sa Nobyembre 27 at pagkatapos ay isasara nila ang kanilang kampanya sa group stage laban sa Myanmar sa Nobyembre 30.

Ayon kay Azkals team manager Dan Palami, nasanay na ang kanyang mga tropa sa pressures dahil sa pagsali nila sa mga mabibigat na tournaments gaya ng Challenge Cup, (Asian Football Confederation).

Kuminang ang PHL IX ng sumampa sila sa final four sa nilahukan nilang tournament sa Vietnam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply