Presyo ng karne ng baboy sisipa ngayong Kapaskuhan

pork-meat

MALAKI ang posibilidad na sumipa ang presyo ng karneng baboy na madalas na inihahain tuwing Pasko.

Ayon kay Edwin Chen, pangulo ng Pork Producers Federation of the Philippines (PPFP), maaaring tumaas ng hanggang 5 porsiyento ang
presyo ng karne ng baboy sa sa merkado simmula Disyembre 15 hanggang 23 dahil in demand ang hamon, tosino at iba pang produktong ginagamitan ng pork.

Siniguro naman ni Chen sa Department of Agriculture (DA) na hindi kukulangin ang suplay ng karneng baboy sa bansa para maibigay ang
sapat na pangangailangan ngayong Kapaskuhan.

Sinabi pa ni Cheng na hindi magkakaroon ng anumang aberya sa suplay ng karneng baboy dahil marami ang pagkukunang backyard raisers at commercial hog raisers sa bansa, partikular sa Timog Katagalugan at Central Luzon na nagsusuplay sa Kalakhang Maynila.

Wala rin umanong pangangailangang mag-angkat ng karneng baboy ang bansa dahil batay sa report ng National Meat Inspection Service
(NMIS), mayroon pang siyam na milyong kilo o siyam na libong toneladang frozen meat na imported at locally produced na sasapat para
sa darating na Kapaskuhan.

Samantala, nagbabala naman ang NMIS sa publiko na maging mapagmatyag, dahil sa paglipana ng karneng botcha na ipinupuslit sa palengke.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply