Presyo ng liquefied petroleum gas tatapyasan

MAGPAPATUPAD ng tapyas presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mga kompanyang miyembro ng LPG Marketers Association (LPGMA) at ang Liquigaz Philippines Corporation makaraang pangunahan ng Solane at Petron ang pagpapatupad ng bawas presyo.

Mamayang  12:01 ng hatinggabi ipapatupad ang pagbawas ng P1.50 kada kilo ng LPG o P16.50 sa kada 11 kilong tangke.

Ayon kay LPGMA Partylist  Representative Arnel Ty, nasa P640 hanggang P670 kada 11 kilong tangke ng presyo ng LPG simula bukas ng umaga.

Dagdag pa ni Ty, ang paggalaw ng presyo ng LPG ay dulot ng pagbaba ng international contract price sa merkado  ngayong buwan ng Disyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply