Presyo ng sardinas hindi tataas

WALANG magaganap na pagtataas ng presyo ng sardinas dahil sa nakaambang sardine closed season na magsisimula sa Disyembre 1 na magtatapos hanggang Marso.

Ito ang kinumpirma ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez matapos ianunsiyo ng mga sardine manufacturer na may 18 porsyento ang dami ng nahuling isdang tamban at mackerel ngayong taon.

Dahil dito sapat, aniya, ang suplay ng isdang tamban at mackerel sa Sulu sea at Zamboanga Peninsula kahit pa ipatupad ang temporary ban na magtatapos sa Marso.

Hindi dapat, aniya, gawing dahilan ng mga manufacturer ang ban dahil mapipilitan din ang mga ito na ibaba ang presyo ng sardinas kung itutuloy nila ang dagdag-singil ngayong closed season.

Samantala, nilinaw naman ni Asis na hindi kunektado ang ginawang sardine-closed season noong isang taon sa P1.00 dagdag-singil nito kada lata at nagkataon lang ang paggalaw sa presyo na hindi na mauulit ngayong taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply